Libre Ang Mangarap

Malapit na ang aking kaarawan, tatlumpong araw nalang at ako'y ganap na tatlumpong taong gulang na. Hindi ako excited at hindi rin naman ako malungkot sa kasalukuyan habang sinusulat ko ito. 


Ngunit nitong nakaraang buwan madalas talaga akong naging malungkutin, mainipin at bugnutin. Minsan sinusumpong din naman ako ng katamaran pero ganunpaman pagsapit ng sabado todo linis na ako ng aming kabahayan kahit pagod ako sa paghahanapbuhay. Pero ang isang linggong alikabok umabot ng isang buwan, patay tayo dyan!



Hindi ko mawari kung ito'y dahil kagagaling ko lang ng bakasyon sa Pinas at nagdulot ito ng post travel depression sa akin, ayun sa aking nabasa o ng dahil sa napipressure ako habang tinitingnan ko ang kalendaryo habang papalapit ng papalapit ang aking kaarawan. Baka din nawalan na ako ng gana kasi sa todo-kayod ko simula ng taon, konti lang ang sinahod ko, diba nakapanlulumo ng katawan? 


Wala naman akong napipintang pagdiriwang sa aking nalalapit na kaarawan pero may mga simple akong kahilingan o sabihin nating ito'y mga pangarap lang.


Una, gusto kong magbawas ng timbang. Sana tulungan nawa ako ni Lord dahil gusto kong tulungan ang aking sarili. Gagawin ko ito dahil hindi ako masaya sa pagiging mataba ko. Malaki ang dinagdag ng aking timbang simula ng mapunta ako dito sa Europa, ang aking mga fats ay makikita sa aking tiyan, mga pisngi at binti. Gusto ko ng healthy lifestyle, disiplinado at magaan ang katawan at pakiramdam. Tumatanda na ako mahirap kung dapuan ng sakit kaya dapat doble ingat na ako. Pagod na din ako sa kasusuot ng maluluwag na damit at pantalon, nagmumukha na akong losyang. Sinabihan nga ako ng brother ko, "Mag-ayos ka naman.. pumorma ka". Aba, gumaganun???


Pangalawa, gusto kong magpaspa. Facial at massage. Kumakati at naiirritate na ang aking mukha, naglalakihan na ang aking pores sa aking pisngi, hay gusto kong maremedyuhan. Madalas sumasakit na ang aking beywang at likod dulot ng aking katandaan este pakikipagsapalaran, kailangan ko na ng treatment at relaxation. Hindi ko ito nagawa sa Pinas nung umuwi ako sayang. Dun at least mura, dito aruy pagkamahal.


Pangatlo, sana mapalitan kaagad yung nawala kong DSLR camera namimiss ko na ng todo at sayang spring time na pa naman daming magagandang tanawing pwedeng kuhanan. O kaya sana magkaroon ako ng magarang apple laptop computer. Sawa na kasi ako sa windows, sa kakapihit ng antivirus program at sa nakakawindang na malapagong sa kabagalan nitong aking segunda manong desktop computer na mahigit sampung taong gulang. Alam ko ito ay hindi simpleng pangarap lang pero ito'y silbing hamon nalang para lalo pang magsumikap at di na tatamad-tamad.


Pang-apat na hiling ko, sana makatanggap ako ng birthday greetings, picture greetings o video greetings mula sa mga taong mahal ko at sana sa mga blogista kong idol. Ambisyosa Grasyosa. Lahat kayo na pina-follow ko hanga ako sa galing nyong magsulat, idol ko kayo! Naks. At sana isa, dalawa, tatlo o sige na kayong lahat sana maging kaibigan ko, hehe nananawagan ako. Chika lang nakakahiya.


Hay naku puro wishes lang po ito. Alam kong malayong matupad kaya pagpasensyahan nyo na ako, talaga naman nakawiwiling mangarap ng gising dahil ito'y libre nga naman. 

13 comments:

  1. hheheh, agree with you, wala talagang masama ang mangarap, buti nga yon ma inspired ka kahit mahirap matupad paminsan, malay mo end the end, mapasakamay mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks a lot, sana nga magdilang anghel ka sana hehehe.

      Delete
  2. Hindi naman impossible ang mga pinapangarap mo... Makakamtan mo rin yan... At ngayon pa lang binabati na kita ng maligayang kaarawan, hindi man ako ang iyong idolong blogista.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat sa iyo Mar at pinaunlakan este pinatulan mo ang aking munting kahilingan. Mali ang aking naisulat, tama ang terminong kahilingan lamang at hindi pangarap. Ah ewan basta you know what i mean, nyahaha. Ikaw ang unang bumati, idol kita :)

      Delete
  3. Maligayang kaarawan (advance) Gracie! Me treat ba sa pangalawang bumati? haha...

    At dahil pina-follow mo ako kahit hindi naman kahanga-hanga ang blog ko, sisikapin kong pagbigyan ang isa sa kahilingan mo, isa ako sa magpapadala ng picture greetings sa 'yo, pagpasensyahan mo na nga lang at ng magsabog ng creative talent si Lord eh natutulog ako, tamad din kase...hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow talaga as in? I'm fainting.. toobig! i mean tubig pala hehe nakakatuwa naman. Salamat din sa paglalaan ng konting oras para dumaan at magcomment dito sa blogsite ko.

      Delete
  4. yey! may kasamahan pala ako dito. malapit na rin ang kaarawan ko eto na ngang linggong eto :) yan din ang dahilan kung bakit ako dumalaw dito kasi aayain kitang basahin mo ang KSP kong post na eto :

    http://balutmanila.blogspot.com/2012/03/sunday-song-and-photographs-shes-always.html

    HAPPY BIRTHDAY sa ating dalawa. sana matupad lahat ng wishes mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha may dahilan talaga? maraming salamat Balut, sana nga ambunan pa ako ni Lord ng blessings this year :)

      Delete
  5. Tawa ko ng tawa sa post mi na eto. Kakilig mga honest request mo, but your wishes can come true. Good luck

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana po. Glad it made you laugh po mommy joy ;D

      Delete
  6. andito rin ako LOL

    kahit hindi mo ako idol na blogista bumabati sayo ng MALIGAYANG KAARAWAN sa mismong araw ng birthday mo. hinintay ko ang moment na eto na makulet ka ha ha ha.

    Muli! MALIGAYANG KAARAWAN Gracie. I wish u all the wishes that u wish for. God Bless...

    ReplyDelete
  7. Belated happy birthday Gracie! (better late than never, diba?) :) Anyway, it's never a bad thing to dream something. In fact, everything starts with a dream. Pareho tayo sa isa sa mga goals mo - to lose weight! Ang hirap lalo na pag holidays!hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Joann. Yepp, better late than never. Huli man ay maihahabol din hehe. I think your figure is fine.. ako suko na kaagad sa pagpapapayat HIRAP!

      Delete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.