Biff Ala China City med Peppersaus

Hindi ako madalas lumabas para gumala with friends, kumain sa mga restaurants, magshopping o gumimik. Wala din naman kasi akong mga kakilalang mahihilig sa ganyan. Konti lang din ang sahod ko minsan nga kulang pa dulot ng napakamahal ng mga bilihin dito. Proud ako kasi hindi ako umaasa kahit kanino, kahit sa asawa kong pooriner. Pooriner ba ikako? Tama, di kasi lahat ng foreigner mayaman :D Kaya kung ikaw na nakakabasa nito ay may balak mangutang? Ay sorry po, poorinay ine - poor na pinay :D



Pero kahapon, aba naligaw ang landas ni grasya! Nagpunta ng chinese restaurant. Patay kang grasya ka! Hindi kasi kasama si pooriner ko. Yung pinay kong kaibigan na si Becky yung kasama ko kahapon. Biglang nag-aya makipagkita after work, pero hindi na sa dating tagpuan na kung tawagin ay Mcdo(nagsawa na siguro dun hehe).


credit to Zoe Harpham
So nag cr(chinese resto) nga kami kaso wala akong ebidensya, engot lang. Di bale may nakita naman akong litrato kay pareng google hehe. Di nga lang magkapareho kasi yun ay nasa plate, steaming syang inihain with may I sandok at manaka-nakang pagbuhos ng pepper sauce, imaginin nyo ang bango hmmm.. kaya naturlala si grasya di nya kasi naencounter sa limang taon nyang pamamalagi sa banyagang bansa. Maniwala kayo, hindi lahat ng nag-aabroad totyal. Karamihan poor, like me. Enough said nakailang ulit ko ng sinabing poorinay ako diba? Defensive :)


Anlasa? Hmm.. imaginin ko ulit ha, namnamin ko ulit.. hmmm... wait lang.. ah eto na, ah eh never mind. Masarap pa ang lutong bahay, in fairlalu. Matigas yung beef nila. Yun lang ayoko na magsalita, ano to food review?! 


"Wag ka maingay kay pooriner ha na nagchina city tayo", babala ko kay Becky pagkatapos naming kumain. Pag-uwi ko sa bahay di rin pala ako makakaligtas dahil paghal*k ni pooriner naamoy nya ang katas ng bawang na isinahog sa Beef ala China City with Pepper Sauce(bongga talaga ng title, in norwegian pa). Nabuking ako sa kinain ko pero di ako umamin hehe. Pero tama sya, narealized ko, mas okay pang magluto sa bahay, nakamura ka pa, nakarami ka pa, tama diba?

2 comments:

  1. maganda na sana ang presentation ng food, kaso matigas ang beef. i don't like beef kaya parang nawalan na rin ako ng gana when you said it was matigas. hehe. ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga eh, sa tingin ko ilang basong tubig naubos ko kasi bawat nguya dapat may kasunod na likido, or else baka mag-ugat sa lalamunan ko, omg! Hongmahal kazhe, sayang kung di kainin hehe. Another lesson learned: WAG MANGOPYA NG ORDER NG IBA!

      Delete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.