Bagsik ng Blogistang Baguhan


Isang kabanata sa aking nakaraan, hinding-hindi ko kailanman makakalimutan.
Musmos pa lamang, wala pang kamuwang-muwang.
Iniiwan ng mga magulang sa kung saan-saan.
Hindi naman sa kalsada o sa may damuhan,
Ngunit sa kung kani-kanino lang na kanilang napapakiusapan.

Sa mga kapitbahay o di kaya’y sa mga kamag-anakan,
ako’y nakikituloy habang sila’y nasa malayo nakikipagsapalaran.
Masaya sa umpisa ngunit nakakasawa sa katagalan.
Nakakapagod para kang bolang pinagpapasa-pasahan.
Nakakahiya, sa hinuha ng ilan ako’y isang kawawang nilalang.

Ang bata-bata ko pa noon ngunit imahe ko na ang matinding kalungkutan.
Kapag minamalas na walang mapakiusapan,
ako’y ikinukubli sa loob ng aming munting silid-aklatan.
Sino ang aking makakausap? Ah, mga larawan sa dingding di pinalagpas
Ni kawawang kulisap na mapadpad di rin pinaligtas.

Sa pag-iyak ako’y tumatahan
Sa isang pisong natatanggap bago nila ako iiwanan.
May pangakong aklat pagbalik, kaya naman noon palang panitikan na ang nakahiligan.
Nagsisikap makapagguhit ng saranggola, ibon at kabukiran
iaabot pag-uwi nila kinagabihan bilang pasasalamat na ako’y kanilang binalikan.

Sa ilalim ng kagawaran ng edukasyon ang hanapbuhay ng aking mga magulang.
Hindi man kami maituturing na mayaman,
Ngunit maswerte na kung kami’y may asin at mantika sa hapagkainan.
Mahal kasi kung galunggong ang aming iuulam.
Di bale na, basta’t ang gutom wag lang palilipasin
Kung ayaw, eh di wag pipilitin.

Mga bayani silang hinirang ng lipunan,
sapagkat lahat isasakripisyo, kahit musmos iiwanan. 
Ang sabi'y alang-alang din naman sa aming kapakanan,
na sadyang naintindihan naman ng mura kong isipan. 
Gaano man kalayo at kahirap, trabaho’t tungkulin nila’y gagampanan.

Ang nakaraan ay sadyang lumipas na.
Ngunit magpahanggang ngayon habang aking ginugunita,
tila mala-malignong sumusukob sa aking kaluluwa.
Unti-unting kinukurot ang aking puso at di ko mapigilang mapaluha.

Tahan na, bagkus ay magdiwang at magsaya
sapagkat nakalikha ng isang madamdaming tula. 
Naks, ang bagsik ng blogistang baguhan!
Ang tapang ibig pa talagang makilahok sa tagisan 
ng "Bagsik Ng Panitik" ni Bino ng Damuhan. 
Di man lang nangiming  makipagsabayan, 
blogistang baguhang kulang pa talaga sa kaalaman.

 Dalawang oras na ang nakakaraan
mula ng aking masilayan ang blog ni Damuhan,
dalawang oras mula noon ito'y aking sinimulan.
Yan ang maipagmamalaki ko, bahala na ang mga hurado.

Di baleng di manalo, basta't akoy makikihalubilo sa mga blogerong aking iniidolo.


Comments

  1. hanep! parang ayoko na tuloy sumali sa pakontes ni Sir Bino.... may pagka -Makata ka pala hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry naman.. nandyan ka pala idol. Hehe makata ba o si zaido? Sumali ka na oi, may idol ba akong di magaleng at di patatalo? Go! Suportahan taka :D

      Delete
  2. Replies
    1. Nakow patay tayo dyan, di po ako matalino ang totoo nyan kung magtatyaga kang basahin ang aking entries, maraming mali lalo na sa grammar.

      Pero salamat sayo ng marami ha.. Ingat.

      Delete
  3. Wow, ang galing nito! Marunong ka palang gumawa ng tula, kakainggit naman kayong marurunong sa panitikan. :P Good luck dito sa entry mo Gracie, ang ganda. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tusen takk Glen. Ganyan siguro pag may pinagdaanan :) Gawa kana din, try mo i'm sure kaya mo din.

      Delete
  4. binisita ko muna yung blog ni damuhan bago ako nag-comment dito. Ni-check ko kasi kung may botohan, hahakot ako ng voters for u Gracie LOL. Siguro kung may botohan, contest ulet kami ni TPW sa pagboto ha ha ha.

    Go go go kapatid! kaya mo yan! (Nagsikip ang dibdib ko habang binabasa ang entry mo = ganun katindi!)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang hilig mo talagang magstalk hahaha joke! Anewi, in a good way naman yan kaya bilib ako sayo at napakafriendly mo. Salamat, salamat sa suporta at isang malutong na "pak"! para sayo (hug yun).

      Delete
  5. ay! ang galing mo Gracie! May dugong makata ka pala.Goodluck sayo....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Touch naman ako. Di kasi alam mo pinsan ko si Kiko Balagtas, biro lang po hehe.. Thank you so much Mhie!

      Delete
  6. Super duper galing ka Gracie. So proud of you. Not only that, as I read your tula, I both laugh and cried. Kasi nakakarelate ako sa yo. Thumbs up ako. Because of kababayan like you, I am proud to be a Filipino. So lucky na nakilala kita, makata:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakataba naman ng puso mommy joy hehehe(nagmommy talaga e noh? pakibatukan nga). Takk så mye! Jeg vil gjerne gi deg et stort klem...

      Delete
  7. Loved to be called mommy joy:) Thanks for the hug:)

    ReplyDelete
  8. matagaumpay na nagamit ang hinihinging salita! goodluck po para dito!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napansin ko nga po, dati ko ng sinusubukang gumawa ng sanaysay o tula sa wikang Filipino ngunit nawawala ang aking konsentrasyon, parang walang patunguhan ang aking pinagsusulat. Nung masilayan ko na ang mga katagang dapat bigyan ng komposisyon, aba ako'y nagulat, isa hanggang dalawang oras, natapos ko ang aking akda! Nasambit ko, kaya ko pala! Siyanga pala, isang karangalan bago kong idolo. Sana mabasa mo ang aking komento.

      Delete
  9. ayun oooohh tumutula si gracia!!! hahaha! galing!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bow. Hahaha tamay gud man hine! Aguy balitaw ine kay ikaduha gad la ak haim, kaw man it makarit. Sana kahit di manalo may consolation prize, tas it akon prize(pagka-assuming ko) imo nala :D

      Delete
    2. haha! lol diri ak makarit huna mo la iton!

      Delete
    3. Nahinunumdom lugod ako han accudata days hahaha

      Delete
  10. Makabagbag damdamin ang iyong tula Go Gracie i hope u win :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha nakakabagabag ang iyong binitawang salita sapagkat wala sa kalingkingan ng aking mga tinitingalang idolo ng panitikan hehe pero pwede! kapag may himala ;D Maraming salamat sa suporta.

      Delete
  11. hanglufet mo ate gracie...bangis ng entry mo.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hongbangis ba? ho di ba he di napahcomment kah.. fherstaym.. hik! biro lang kuya lester, totoo nyan masaya ako first time mo nagcomment kala ko hanggang chat kalang e hehe peace! thanks a bunch.

      Delete
  12. ang bangis nga. nosebleed ako. napakahirap magsulat ng puro tagalog. binabati kita. mahusay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ms Chyng, salamat sa suporta. Ganun talaga basta magagaleng sa English nahihirapan sa purong tagalog hehe. Pero I'm sure kaya mo din, one time try mo patula naman yung entry mo hahaha biro lang. Idolo ko maraming salamat :D

      Delete
  13. ang husay mo gumawa ng akda... mahirap talagang maiwanan kung kani kanino lalo na kung musmos pa tayo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lubos ang aking galak
      Napansin mo ang aking tulang payak
      Hindi ko naman hamak akalain
      Sapagkat ako lamang ay baguhan kung maihahambing.

      Animo'y isang bulaklak
      Nalaglag at nagkaroon ng pakpak
      Bumangon at gumayak
      Natuwa at humalakhak.

      Hahaha pasensya kana sa aking naisisingit
      Dala lang ng pagod at kung anu-anong iniisip
      Sana'y nagustuhan, tulang aking alay
      Akda ko'y isa lamang pagbibigay pugay.

      Delete
  14. ang galing galing .

    ramdam ko ang hinagpis ng pobreng bata :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bagotilyo, lubos akong nasiyahan,
      ika'y nagawi sa aking tahanan.
      Alam mo binaybay ko mula sa iyong pangalan,
      patungo doon sa iyong tirahan.
      Sa bungad pa lamang,
      pangalan mo na ang nakaabang
      tila nanghihikayat,
      "halika't basahin ang aking mga sulat".

      Ang buong akala ko'y hindi na ako muling hahanga pa,
      Iilan lang ang aking nabasang akda ngunit ito'y diko mapigilang mamangha.
      Bukod sa naipamalas na galing sa pagbibigay ng mga hinihinging salita,
      Ito'y nakapagbigay katarungan ng aking mga nahihinuha.

      Natangay ako sa agos ng istorya,
      Banayad ang daloy ngunit hindi malamya.
      Bagkus ito'y kumukurot at pumipiga,
      sa aking puso at pigil ang aking hininga.

      Nakatayo akong pumapalakpak,
      sapagkat isa na namang obra ang aking nakalap
      Mahusay na makata, sino paba, ikaw na!

      Delete
  15. Pangbaguhan ba ito? Baka nahuli lang ng dating sa blogesperyo.

    Nandito 'yong esensiya ng tula. 'Yong alaala ng kamusmusan, at tama ka..kung hindi iyon naganap sa iyong sarili ay wala kang tula ngayon. hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe unang subok po. Salamat sa pagbisita at pagkomento.

      Delete
  16. Replies
    1. thank you! i've been to your blog and left a comment there, hope you like it :D

      Delete
  17. dama ko ang damdamin sa tula mo, at natakot tuloy akong sumali sa pakulo ni bino :) good luck sa iyo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Idol, nakakahiya naman!
      Mali yata ang aking sinalihan?
      Ito ba'y isang katatakutan?
      O sadyang gusto nyo lang akong pagbigyan?
      Sensya na kayo ha pero mukhang wala na tong atrasan.

      Hahaha, sige na nga pagbigyan nyo na nga lang ako.
      Wala namang mawawala sa inyo,
      kilala na kayo ng publiko,
      may pangalan na kasi kayo sa blogesperyo,
      nagkamit na rin malaking premyo.

      Ano pa ba hahanapin nyo?

      Hay sorry po, moment ko to.
      Basta isa lamang alam ko,
      manalo, matalo..
      hindi ko aakuin ang premyo.
      Aba'y ang lumahok sa tagisang ito,
      para ka na ring nakatanggap ng tropeyo :)

      Delete
  18. Bagsik talaga!! Goodluck sayo! Galing mo mag compose ng tula di ko kaya yan. hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya mo yan, subukan mo lang :) Anney salamat sa suporta.

      Delete
  19. tlgang my pinaghugutan ang iyong tula, magnda, magaling, malupit, astig.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat tol, astig din pangalan mo. follow kita. salamat din sa suporta!

      Delete
  20. magaling po.. wow naman.. baguhan pa lang yan ha.. pano pa kaya pag luma na? magandang araw po sa inyo :) add kita sa list ko :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ISTAMBAY, sigurado po kayo?
      Isa kang alamat na manunulat ng wikang Filipino,
      kilalang mahusay, magaling, at iniidolo.
      Marami ang hanga sayo, isa na po ako.

      Lumulundag ang abang puso ko,
      sa tuwa't galak na nadarama nito.
      Ano nga bang masasabi ko kundi't maraming salamat po!

      Pero bakit unang kita ko sa larawan mo,
      Takot ang bumalot sa buong katauhan ko?
      Isang demonyo sa aking kanto'y sumilip?
      Hindi ako nagdalawang isip
      Niigin ka sa iyong mga titig.
      Natangay mo ako sa iyong mundo,
      nilukob buong pagkatao,
      nilamon pati pag-iisip ko,
      tila ngayo'y myembro na ng kulto mo.
      Mabuhay ka sir Banjo, ako'y tagasubaybay mong bago!

      Delete
  21. Nagbasa. Humusga. Nangambang baka ang akda'y walang katuturuan at pabalat-bunga. Namangha. Napanganga. Bagsik ng baguhang blogista'y isang halimbawa. Sa husay ng panitik karapat-dapat ka nga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat. nakakataba ng puso isang karangalan ito. kahit di ako nanalo para na ring panalo sa komento mo at pagsali sa patimpalak ni Sir Bino. mabuhay kayo!

      Delete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?