Sunny Winter Afternoon

Ganda ng panahon sa labas ah, syempre winter pa din pero umaaraw na.. hmm lapit ka na ba spring? Can't wait to make spring rolls tuloy. Haha loka, di yun talaga ang pakay ko. Gusto ko spring season na para dina masyadong malamig tsaka nakakaumay pagpuro white ang nakikita mo sa paligid. Di lang yan nakakadepress pa kasi wala kang makikitang taong lumilipad este naglalakad, hayop na nagsasalita este nakikipaglaro sa mga amo nila o halamang buhay na patay este kumakaway sa labas, hay at isa pang hay. 



Anong petsa na ba? Teka afternoon duty ko ngayon ah, buti may isang oras at kalahati pa ako para makapagready. Sana lang di masayang effort ko, mamaya nyan nasa work na ako biglang lahat babati sayo akala mo pagkabait-bait nila yun pala nagtataka..


"Skal du jobbe idag og?" (in norwegian language ibig sabihin: Trabaho ka din ngayon?)


"Oo, (wearing a wide smile) alas kwatro hanggang alas nuwebe nga lang.."


"Wala ka kasi sa listahan ngayon sa mga nakaduty."


"Ouch! Teka di nyo ako pwedeng pauwiin dahil ayoko maglakad, joke, kasi nasa listahan ko duty ko nga ngayon o (sabay show ng listahan ko)".


"Oo nga. (smiles) Sige lista ka namin, tulungan mo nalang kami today, although marami tayo nakaduty ngayon." 


"No prob. Ok lemme start na."


Pagkalipas ng 4 oras.


"Nakalista na ako?"


"Ay nakalimutan ko, sorry mamaya nalang."


"Pano nila malalaman if nagwork ako today? E di sayang ang effort ko. Di bale maglog in ako mamaya sa profile para may proof."


"Ok". (read as O'kuh sa norwegian language)






O sya isang oras nalang, kita-kits ulit mamaya, time to go na. 
Aw magreready pa pala ako, ano ba yan naka-bananas in pajamas pa pala ako :D Bye! 

Comments

  1. thanks for visiting my blog.Oo buti maganda yong day nyo, dito medyo malamig pa kami, pero wala kaming snow now.Enjoy your day there.

    ReplyDelete
  2. Oo nga ganda ng panahon kahapon, opposite naman today kasi foggy then madulas delikado magdrive.

    ReplyDelete
  3. We've got a Norwegian engineer before and I overheard him spoke in his native tongue over the telephone. All I heard was "Og-og-og" and it sounds like a difficult language to learn. : )

    In some way, I'm proud of you. Ang pinoy talaga, kahit saan, can assimilate flawlessly.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha oo mahilig sila sa og minsan kapag walang masabi instead na ahh at uhmm, og.. og.. og.. sinasambit nyahaha. That's right norwegian language is one of the difficult lang. to learn. In fact 1 year kong pinag-aralan ng bonggang-bongga. Til now hirap pa din huhu

      Delete
  4. thank you for follow. dalaw ka lang ulit sa blog ko if you have time.

    anyway..parang ang hirap ngang pagaralan ng language nila dahil ang lalo sa salita natin yung istilo. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup I will. Thanks din sa pagdalaw. Oo mahirap talaga daming rules tsaka nakakabobo ng english. Kunyari ilang buwan kna nagnonorwegian tas biglang may nakalimutan kang word o sadyang di mo madescribe kaya nung pinilit mong englisin, sumablay kpa, kalurqui talaga. Hehe sabagay sablayin talaga ako sa wikang banyaga, hahay.

      Delete
  5. also happy with our weather today...at least me sunshine..feeling go i was charged again..visiting you here Gracie...enjoy ur MOnday!

    and yes, wish to learn norwegian too..hehe...

    best regards from men and my blogs..keep warm!
    Europe Travel Pad
    Countryside Trip
    Travel Snapshots

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek ka dyan Ms Redruby, nagsisilbing buhay ang makakita at makadama ng liwanag o sinag ng araw.. hay ganito pala ang pangarap nating winter wonderland wew! Btw trip mo din pala matuto ng ibang language maliban sa language nyo dyan? Di bale paminsan-minsan lalakipan ko pa ng mga wikang norsk at isasalin ko sa tagalog para may matutunan kayong konti mula dito. Have a nice day!

      Delete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

EMOTIONS

Pano nga ba ulit magblog?