Rosas

Bakas sa aking mukha ang tuwa na magpahanggang sa pagpasok ko kaninang hapon sa trabaho ay dala-dala ko ang ngiti sa aking mga labi. Sinorpresa kasi ako ng aking butihing asawa ng labinlimang kumpol na rosas habang ako'y nasa higaan pa. Oo bagama't ang aking kaligayahan ay napakababaw lamang ngunit kung ikaw naman ay makatanggap ng mga mumunti at simpleng sorpresa mula sa iyong minamahal, aba'y siguradong mapapaluha ka sa galak, hindi ba? 

Ang sarap kapag ika'y minamahal at nagmamahal.. Hay pag-ibig nga naman!
Oo na ako na ang bagong makata :D


No comments:

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.