Replica

Nanaginip ako kagabi pero di ko matandaan lahat ng pangyayari. Nasa mountain top daw ako. Ang saya ko nasa tuktok ako ng bundok at tanaw ko ang malawak na lupain sa baba then tanaw ko din ang dagat na malabughaw ang kulay. Paglingon ko di pala ako nag-iisa kasi kasama ko ang aking matalik na kaibigan. Nakatingin sya sa akin, mukhang galit at pinapahiwatig nya na magmadali at sumama ako sa kanya pababa ng bundok. Napatingala ako sa langit pero ang nakita ko ay ang replica ng dagat sa taas, wala itong alon pero nagtaka ako bakit baligtad ang dagat? Nasaan ang langit? Nakadama ako ng biglang takot, sumigaw sya mula sa baba at sumunod ako. 


Dun na ako nagising mula sa aking panaginip..

Comments

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

EMOTIONS

Pano nga ba ulit magblog?