Nakakainis

Naiinis ako sa mga taong tumatawag sa phone tas pagsinagot mo ng busy ka biglang magagalit.

Naiinis ako sa mga taong kapag nagsasalita sila dapat tutok ka at bawal gumawa ng ibang bagay maliban sa pakikinig sa kanya.

Naiinis ako sa mga taong saway ng saway sa mga maiingay pero sya kung makasigaw ng halos walang humpay umaabot pa sa kapitbahay, pasaway!

Naiinis ako sa mga taong ayaw makinig sa eksplinasyon ng iba, dapat sya lagi ang hihiranging tama, laging panalo, ano kami robot? di kami bobo!

Naiinis ako sa mga taong masigasig na nagpaplano w/o considering na ang sinasama nya sa plano ay di sang-ayon sa iniisip nya loko! Nagtatanong nga ng opinyon mo pero takot ka namang humindi kaya oo nalang ng oo para walang gulo.

Naiinis ako sa mga taong gustong alamin ang bawat himay ng ibang pagkatao, ano ang ginagawa, ginawa at gagawin pa lamang, big brother kaw ba yan? Haynaku!

Naiinis naman ako sa mga taong kung makareport ay daig mo pa ang document news reporter. Ilalathala halos lahat maski siguro nung umeb*k ikikwento pa, anong klase yun? Di naman sa walang maikwento pero parang cool lang sa kanila pag-usapan ang mga bagay-bagay na for me ay gross at below the belt na. 

Hay nakakainis bakit ba kasi may mga taong ganyan? Grrr.. Nakakainis.. 

No comments:

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.