Exhausted

Kahapon lang ang saya-saya ko andami kasing nangyari. Pero umaga palang masama na pakiramdam ko, sinabi ko yun sa kolega ko pero di namin ininda pareho kelangan kasi ipagpatuloy ang trabaho. Nakikipagkulitan pa ako sa ibang kolega at mga pasyente dun, dumagdag pa ng bumisita mga kaibigan ko na naghahanap ng ekstrang trabaho dun kaya laking gulat at tuwa ko. 
May nagcelebrate din ng late birthday nya kaya sa pangalawang pagkakataon nitong linggo nakikain na naman ako ng cake, hay pagkasarap. Excited akong nagbibilang ng oras dahil pagkatapos ng trabaho sasamahan ako ng kolega ko tumingin ng bakanteng apartment kaso tinanong ako ng boss ko kung pwedeng isang oras na extension pa sa work. Pumayag ako pero pagod na pala isip at katawan ko nagpapaka-superwoman lang ako. Ibig sabihin pinipilit kong maging maliksi at malakas pero sumasablay naman ako. Lagpas na ako sa oras, tawag pa din ako ng mga pasyente. Ng makapuslit nagpalit na ako sabay alis. 
credit to ifimages.com
Ang lamig-lamig naglakad ako, wala kasi akong sundo kahapon dahilan sa makikipagmeet ako sa kaibigan ko sa mall. Eksaktong alas 3:45 dumating sya tsaka tumambay kami sa Mcdo restaurant. Usually bahay-trabaho lang routine ko araw-araw, lunes lang ang nagiging opisyal rest day ko. Anyway nilibre ako ng friend ko swelduhan kasi. Ako kasi pang 3 araw lang sinweldo ko kaya kulang pa pambayad sa bills at gastusin sa bahay kung tutuusin. Wala kaming humpay na nagchikahan last year kasi huli naming magkita. Nagtatawanan ng pagkalakas-lakas halos pagtinginan at pag-usapan na kami ng mga puti sa paligid namin at mga bombay na nagtatrabaho sa resto. Wala kaming pakialam tuloy lang, di ininda ang kanina lang na masamang kong pakiramdam. Unti-unti itong napalitan ng sigla at saya. Pagkatapos ng 2 oras na kulitan at tawanan, uwian na. Nagpasundo na ako sa asawa ko mahaba ang pila ng CR at ang sakit-sakit ng puson at likod ko,  dinalaw na pala ako ng buwanan kong bisita. 
Hindi ako nakatulog magdamag nakahiga lang ako habang nakikinig sa hilik ng asawa ko. Tanghali na ng magising ako pero di pa din ako bumangon sa sakit ng katawan at ulo ko. Inaya ako ng hubby ko magbrunch daw bago ako pumasok sa trabaho soon. Kumain ako at nag ayos ng konti ng mga gamit sa bahay. Sakit talaga ng likod, puson at mga paa ko, giniginaw din ako mukhang diko kakayanin magtrabaho. Feeling ko naduduwal ako, umiikot ang paningin ko konti nalang bagsak na ako kung di pa ako pumasok sa kwarto at naupo. 
Nanginginig akong tumawag sa kolega ko na di ako makakapagwork dahil masama talaga pakiramdam ko di kaya ng katawan ko. Mula last year nung magsimula ako sa trabahong ito ngayon lang ako tumawag para mag-excuse sa trabaho. 4 na linggong sunod-sunod din akong kumakayod at naiistress kaya siguro bumigay na katawan at isip ko, exhausted to the nth level!
Pahinga muna ako ngayon dito sa bahay, nagsusulat pero maya-maya hihiga na ulit ako para bukas malakas ulit ako at kaya na ulit magtrabaho. Sayang din kung tutuusin ang dobleng kita ko sana today kaso katawan at kalusugan ko puhunan ko kaya dapat talagang pakaingatan.

Comments

  1. hope you feel better soon...alam mo na katawan ang puhunan natin...ingat always kabayan!

    best regards from me and my blogs..
    See The World
    Travel Euroasia
    Europe Travel Pad
    Countryside Trip
    Travel Snapshots

    ReplyDelete
  2. Hi Redruby, whatta pleasure! thanks for dropping a message. Wow, I think I got a lot of blogsites to review from now on hehe. I admit isa palang navisit ko, superb ang galeng hanga ako sa dedication mo magsulat! I'll visit them now one by one.. ok take care always!

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

EMOTIONS

Pano nga ba ulit magblog?