Stress

Di ako nakapagsulat busy ako kahapon. Apat na oras nagtrabaho sa umaga nagsimula ng alas siyete, bumangon ng alas sais pero late na naman natulog. Ang aga ko nagring sa may gate, wala kasi akong ID kaya kelangan kong magring sa kung sino ang nasa duty. Unfortunately di pala daw niya narinig, Diyos na mahabagin hawak-hawak niya ang dalawang telepono, imposibleng di niya ito narinig? O baka naman humihilik pa siya, hello anong oras na? At sa oras ng duty mo natutulog ka? 
Hay sa pagmamadali ko dina ako nagblow dry ng buhok ko bago pumasok kaya basa pa ito. Kaya ng iwan ako ng hubby ko pagkahatid niya sa akin, nanginginig agad ako sa lamig under -5 degress winter season. Nagtry akong kontakin hubby ko sa celpon buti sinagot nya di pa sya nakakalayo-layo pinabalik ko para habang naghihintay na may ibang papasok ay nasa loob ako ng sasakyan nakaupo. 


Ayun buti nalang may pumasok na at nakisabay nako, teh bakit late ka? joke lang di ko talaga siya ininterrogate, bagkus nagpasalamat ako dumating siya. Ok so nastressed ako sa work kasi may nakaligtaan akong dapat gawin pero kulang sa oras, kung ano yun di naman mahalaga pero gusto ko kasi maayos lahat pag-alis ko. 
Promise ayoko kasi mastress ang mga kolega ko. Mastress na lang ako wag lang sila nakanakz! Like kunyari dapat well rested ako para ok ang kondisyon ng katawan at utak ko ng sa ganun maayos at nagagampanan ko lahat ng responsibilidad ko. Kapag ganun mabilis akong magtrabaho at natutulungan ko pa yung iba ng makapagrelak sila kahit di pa breaktime, yun naman kasi ang favorite nila hehe, pakape-kape.. payosi-yosi.
Anyway, pagkauwi wala na akong pahinga diretso linis buong apartment, habang nakatuka hubby ko sa kusina. Imbitado sa dinner kasi stepson ko at girlfriend niya, na kolega ko dati sa una kong trabaho. First time ito may kasama siyang gf sa dinner at kolega ko pa nga, another stress. Pagod na pagod ako pero masaya naman ang aming konting salu-salo na natapos ng apat na oras. 
Nagnap ako ng isang oras kasi bagsak na katawan ko dumagdag pa ang epekto ng wine fine dining kasi nastressed na naman ako. Pinilit kong bumangon para di ako mahirapang matulog sa tamang oras. Mali ako, as usual dinalaw na naman ako ng insomnia ko, urgh stress layuan mo ako! Umaga na ako nakatulog. Buti nalang at naging official rest day ko na ang lunes kaya tanghali nako bumangon, ginising lang ako ng migraine ko. Next time coffee nalang dear ha? Hay, ikaw musta araw mo, pano kaba mastress? 

No comments:

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.