HAPPY 2 0 1 2!

Happy two thousand and twelve! Bagong taon, bagong lenggwahe. Dahil pinoy ako, tagalog ang gagamitin ko at may halong konting englis din naman. Gusto kong maiba naman, gusto kong gawing simple at maikli lang ang mga isusulat ko. Kapag mahaba na kasi nauumay na ako, nakokornihan hanggang sa kahit mahaba na dinedelete ko nalang o kaya unpublish nalang. Weird ba, hay tao lang, aminin mo ganyan ka din minsan :P
Anyway, matagal-tagal din akong nawala at inaamin ko hindi rin ako madalas makapagsulat, bukod sa kawalan ng ideya ng isusulat ay inaatake din ako ng katamaran, sorry po ulit tao lang. Actually, sa dami ng naeencounter ko sa araw-araw hindi ko pa din malaman minsan pano ko sisimulan ang aking isusulat. Ganyan nga talaga kapag hindi ka totoong writer o kaya  blogger. Agree ka dyan ;)
Basta hanggang sa muli, next time nalang ang kwento napadaan lang talaga para bumati eh. Wag kang magtatampo, promise? :D

Comments

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?