Posts

Showing posts from 2012

X'mas Picture Greetings

Image
Taos-puso akong nagpapasalamat sa mga naka-alala at naggugol ng kanilang oras at pagod para makagawa ng isang simple ngunit napakainit  (oo kahit sobrang kapal nung snow dito uminit at nag-alab ang aking pakiramdam dahil dito hehe) na pagbati noong nakaraang Pasko!


Lahat ng ito ay pawang mga sorpresa para sa akin, dahil hindi ko natatandaan o naisulat na hihingi ako ng pic greetings. Kaya naman laking tuwa ko, as in dagdag saya talaga nung matanggap ko ang mga ito noong nagdaang araw ng Pasko. Napaka-memorable at tila makulay ang aking unang Pasko sa mundo ng blogesperyo. Nawa'y pagpalain kayong lahat at mas makilala ko pa kayo at mas maging malalim pa ang ating pagkakaibigan sa mga susunod pang mga taon. At sana'y marami pang blogging ideas na mas makabuluhan at kaaya-aya ang maibahagi natin sa isa't isa ngayong darating na taong 2013 at sa susunod pa, mabuhay kayong mga idolo kong blogista!

Christmas Greetings!

Image
Just wanted to greet you ALL

***
By the way, here's a simple picture greetings to Arvin Erick of Archieviner!

"Never worry about the size of your Christmas tree.  In the eyes of children, they are all 30 feet tall."  ~Larry Wilde, The Merry Book of Christmas

Ang Laman ng Kahon

Image
hits
"Do you have a wish?", hubby asked.

"Meron, bakit?"

"Aside from your wish that you want me to stay kind and nice forever, don't you think you need to wish another more?"

"Huh?! (Nganga!)

Kung makahirit 'tong asawa ko wagas, aba'y ilang words lang ang isinagot ko level up na ang kanyang tinuran! Iba ka dong!

Maya't maya ay naligo at nagbihis.

"Di ko yata alam na may date tayo?"
"I'm going out for shopping.."
"Shopping?! Without me???"
"Yes, relax! Do you need something?"
"Wala, sige enjoy shopping.."
"I'm asking you once again, what's your wish?"
"Peace on Earth (silence). Seriously? I want that thing I can use for baking.. (too hard to say 'coz I knew how much it costs!)"
"Yeah, you told me the other day. What brand then, Kenwood?"
"Oist grabe ka naman (sabay padyak ng right foot at suklay ng buhok gamit ang daliri) ang mahal nun ha! Forget it,…

A Blogger's Joy

Image
I was having a bad day at work today when suddenly my phone beeped, I received an SMS. It came from a friend, she just said she misses me a lot, oh well it melts my heart..

Still at work, later tonight another SMS came. Only the mobile number appeared, meaning it wasn't registered in my phone's directory list. 

"Kjære Gracie!..", I paused for a while and think who's the sender? 

Can't think of any but mommy Joy.. I think it's her! 

"...klem fra mommy Joy"

And yeah, I knew it! The beloved and truly a joy and inspiration to many here in blogosphere had sent me an SMS, oh dear I thought I was going to faint! 

Good thing I only had few hours of work. Just as I came home and wear off my winter boots, gloves and thick jacket, I went directly to my office room and immediately dialed mommy Joy's mobile number! 

Ring.. ring.. ring.. (kinda nervous..)

I think she knew already that it was me because here in Norway after answering the phone, we say "Ja, hå…

SMP Award

Image
Blogging doesn't make me famous but this way it makes me feel rich.. of friends. 


Glen (now you'll be more popular haha sorry gurl but I like calling you that way) of ThePinayWanderer/Talinggaw, she's a friend I already consider in Blogosphere kasi she's super nice and cool plus she has one of the awesome blogsite and I consider her as one of my blogger idols/favorites. Oops, fasten your seatbelt gurl hehe. Anyway, thanks for this award! (credit to Maria's Wanderland for this wonderful idea and creating this cute lovely icon)



In every award you'll get, there are corresponding questions to make/answer and then forward to another set of bloggers. Since this is my third award as a blogger, keri. 1.Your life is going to become a script for a movie. Whose local/foreign celebrity would you want to play you? Answer: Good question but honestly, a tough one. I may sound ambitious but I like Kate Winslet. I've only seen some of her movies but she's cool. 2.You get to …

Hiling Ng Isang Bata

"Mama, gusto ko po ng manika yung Barbie?"

Naalala ko, tuwing sasapit ang kapaskuhan, ito lagi ang hinihiling kong regalo mula sa aking mga magulang noong ako'y maliit pa lamang. Wala kasi akong nakababatang kapatid kaya ang tangi ko nalamang sinasambit ay magkaroon ako ng Barbie doll.

Pero kailanman ay hindi ako napagbigyan. Kailanman ay hindi naman ako nagtampo dahil alam ko, marami pang pasko ang darating, baka sa susunod malay natin ay magkaroon ako nito. 

Ngunit habang lumalaki ako't nagkakaisip, naiintindihan ko kung bakit hindi ko sya makuha. Bagkus ay naunawaan kong, kailangang isaalang alang ng aking mga magulang ang mga bagay na mas importante. 

Apat kaming magkakapatid, dalawa ang nasa kolehiyo ng pribadong paaralan, habang kami ng kuya ko ay nasa elementarya ng pampublikong paaralan. Mas magastos nga naman kung kaming lahat ay mapapagbigyan ng aming mga hiling. Sasakit ang ulo nila mama, mabubutas ang butas na nilang bulsa. 

Ang kapaskuhan ay tanging araw na m…

Liebster Blog Award

Image
In order to accept this prestigious award, one must abide by the list of rules which are: 
> Each person must list 11 things about themselves.
> Answer the 11 questions that the tagger has set for you PLUS you must create 11 questions of your own for the 11 people you will nominate with this award. > Choose up to 11 bloggers linking them to your post. > Go to their page and inform them of the nomination  > Absolutely NO tags back. Remember to ONLY tag bloggers with less than 200 followers.

11 Things about me muna..
1. Sensitive ako sa mga sasabihin ng mga taong close sa akin. 
2. Madaling magsawa sa mga bagay at lugar pero faithful sa ultimate bestfriend ko at siyempre sa husband ko.
3. Ayoko ng maingay na ibang lahi. Pero actually mas maiingay ang Pinoy kapag nagkita-kita pero keber ito ang lahi ko e.
4. Hindi ko kayang magalit sa katrabaho ko, naiinis lang dahil minsan tinitira ako ng patalikod. 
5. Tahimik lang ako tapos I'll do my best para mapatunayan ko sa mga katraba…

Travelogue: Bakasyon 2011 | Arrival in Cebu City

Image
Isang paggunita mula sa aking bakasyon sa Pilipinas noong taong 2011.

Nobyembre nung nakaraang taon nang sa wakas ay nakapagbakasyon ako matapos ang apat na taong pakikipagsapalaran sa bansang aking kinaroroonan ngayon. 

Kabado akong magtravel mag-isa mula Europa hanggang Asya buti nalang at nagpasya ring magbakasyon ang aking kapatid kasama ang pamangkin kong babae. Napawi ang aking kaba, sa wakas makakauwi na rin ako ng wala ng halong pag-aalala kundi purong excitement na lamang.



Maaga ang aming flight patungong Copenhagen, Denmark - 1st stop. 

Kuha sa Changi Airport, Singapore, 2nd stop.


Pagkatapos ng mahigit 2 oras sa himpapawid, narating na namin ang Cebu! Take note, ito ang kauna-unahan kong makarating ng Cebu kaya excited din ako. Hindi naman ako nabigo sa aking mumunting expectations dahil bukod sa stress-free ang arrival namin sa Mactan Cebu Int'l Airport, mababait at disiplinado ang mga empleyado dun, napakaganda at maaliwalas din ng panahon na sumalubong sa amin. 


Aerial view…

All I Want For Christmas

Image
Dear Santa,
I have been extra nice this year eventhough my 95 year-old patient pinched me so hard that left a mark on my right arm and my 102 year-old patient punched me on my upper lip that it made a slight swelling, gosh I didn't react at all promise! Ouch.
So here's what I really want for Christmas..


Outreach Activity
- matagal ko ng wish ito, nung high school ako nagkaroon kasi kami ng outreach activity para sa less fortunate, yung mga walang makain, salat sa damit at yung mga nasa lansangan lang na walang tsinelas, unan o kumot. Bale nag-ambag-ambag kami tapos yun ni-donate namin. Pwede rin siyempre yung used clothings at kung anu-ano pa sa abot lang ng aming makakaya. Yun dun nagsimula, sabi ko sa sarili ko uulitin ko ito pero kelan? Di ko naman kayang gawin mag-isa, paano ba? Suhestiyon naman dyan.
Actually isa din ito sa mga birthday wish ng blogger na si Kulapitot, sabi ko sasali ako at inform lang ako sa plano pero hanggang ngayon mukhang wala pa. Layo ko naman kasi pero …

de Nouvelle Caledonie

Image
Got postcards etc. from a blogger friend in New Caledonia.

Kahapon pagkamulat ng mata ko, nasa tabi ng unan ko ay isang sobre. Makulay ito na nakapagbigay sa akin ng excitement pero dahil kagigising ko lang hindi ko naaninag kaagad kung galing kanino. 

May kutob akong galing ito sa aking matalik na kaibigan na nanggaling pa sa Pinas. Medyo makapal ang nilalaman ng sobre, so baka galing na naman sa isang admirer?! (ahehe feeling) Pagtingin ko, naimpressed ako sa sticker kung saan nakalagay complete name at home address ko hmm..

"de Nouvelle Caledonie", napabangon tuloy ako bigla at napabungisngis (ng malakas narinig kasi ni hubby).

Bebeh, er du våken? (Baby, are you awake already?)

Anong bebeh? Rustom pare. 

Har eksen din sendt deg en snail mail? (Nagpadala ba ex-bf mo ng sulat sayo?)

Deja vu teh? Narinig ko na tong linyang to, paulit-ulit lang?

Hindi, galing ng mafia pinadalhan ako ng pera.. 

Hehe, tumahimik na si hubby di na umimik.


Nagtungo kaagad ako ng office room ko at dali-dali …

Ilang Tulog Na Lang..

Image
Malapit na ang Christmas kaya naman kabilaan na ang natatanggap kong imbitasyon para sa x'mas party mula sa aking malalapit na kaibigan at mga kamag-anak dito. Mukhang magiging tatlo o apat ang aking dadaluhan. Kung tutuusin malaking gastusin na naman ito mula sa damit, panghandaaan at mga regalo. Noong 2010 doble ang aking ginastos para sa gifts ng mga bata maging matatanda meron din kasi, this year mukhang triple gastos, poor me!

Last year kamo? Pass ako noon kasi nagbakasyon ako sa Pinas pero ganun din dun magastos mas wala akong kawala. Hay, pasensya na Lord kung puro gastos ang masasabi ko kapag binanggit ang salitang Pasko. Simula kasi nung nagkaisip ako, laging iyon ang naririnig ko mula sa mga magulang ko. Nung time na yun ay nagstop na akong mamasko kasi sa murang edad kong yun naintindihan ko na kung paano magreact yung mga pinapamaskuhan. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung halos singkwentang kabataan kasama ng kanilang mga ina o ama ang dudumog sa bahay nyo para mang…

Photo Journey - The Autumn Edition

Image
Last summer, I have shared with you the photos that were taken from my new camera which I called -  Photo Journey - The Summer Edition.Main purpose was to test the camera'sfunctions andabilities.And yes in this season of the year, as I have continued the journey, I am sharing with you some of the pictures from Autumn/Fall Season - categorized in three parts:
                                           - Early Autumn -

- Mid Autumn -

- Late Autumn -

Autumn starts here early September until late October or early November. The weather is wilder and wetter. Days are shorter and nights are longer. The temperature gets lower and even more colder.

So, which of the three categories do you like best and why?

Pocketbook Series | Ikatlong Bahagi

"O bakit? Di kaba sanay makakita ng buong kaanyuan ng isang tulad ko sa mundo nyo?", takang tanong na nakangising si Hermes.

"H-ha?! Ah e, anong ibig mong sabihin?" Biglang iwas ko ng tingin -- Naku wag po koya, college palang po ako, makukurot ako nito ni mamang sa singit. O tukso langhiya ka, bakit ngayon ka lang? (pabulong na ratsada ng aking tulirong isip). 

Titig na titig ngunit hiyang-hiya ako sa aking nakita kanina - Pano bigla kasing nagtanggal ng kanyang saplot - walang tinira teh, kaloka! Ni sandata ng mokong jumajasking bieber ang peg! 

Tumingin ulit ako sa kanya, hindi nako nagulat kahit ganung ayos pa rin ang aking nakikita gaya ng kanina. H-aba honglande nasanay?

"Winner ang mga pandesal na humi-hello sa kanyang tiyan! Abs, yun pala ang abs kaka-G! Diyos ko yung muskel, muskel na muskel talaga.. hmm malaman na malaman!"

"Ehemm, binibini, may dumi ba ako sa katawan?" 

"Ay talong! Ay ibig ko sabihin, anak ka ng.. tipaklong long long (…