Posts

EMOTIONS

Image
Sumapit na naman ang autumn season, at siempre kakambal nito ang tindi ng boredom ko. At asahan nyo rin na may matutuklasan na naman ako. This time, alam nyo ba ang tinry ko? Nagpaint ako using acrylic paints. Mix-mix lang ng basic colors tapos nung mabuo ko na yung desired colors ko, nag-imagine nako ng subject. Ang napili ko ay ang beach sa Boracay, wala nga lang puno ng niyog na may nakahang na duyan. (Wala din sila ate na nakabikini at si kuyang naka-trunks na magkahawak-kamay habang nagtatampisaw ng tubig sa dalampasigan) Pero okay lang, perstaym ko naman e so kung mabobored ulit ako, baka subukan ko pa ng ilang beses at makompleto ko na ang ganung subject.


Akalain nyong may resulta at tinawag ko syang EMOTIONS kasi naglalarawan sya ng aking naghahalong emosyon. O diba?!
Bago ko pala ginawa ito, ipinasyal muna ako ni Pedro sa Gurvika beach, ilang kembot lang ang layo sa amin. At sa beach pa talaga on a stormy weather?! Anyway, pagdating namin dun, agad na nagcart wheel ako patun…

Kamusta?

Image
"Kamusta?" Yan lang naisulat ko kahapon sa FB wall ko pero galing sa puso ko yun ah. Kaso wala man lang may pumansin. Ay meron pala, as usual ang pinakamasipag kong kaibigan online at offline, si Senyor. 

Bitaw oi, gimingaw man ko ug blogging karon, Ga-bloghopping ko, ga-comment sad ko sa uban unya ga-backread sad ko sa akoang kaugalingong blog, wa man guy lingaw. Gimingaw ko ug sulat, labi na kadtong mga short stories, kilig-kilig kunuhay, katawa-katawa gamay, ungo-ungo pud usahay, hahay saons.

Oops, napa-bisaya lugod ako. Hmm puyde liwat mag-waray2x nala total blog ko man ine. Balitaw, balik nala kita to taglish bangin waray na lugod magbasa, agidaw lugod. 

Sensya na, BC talaga...

Image
Hay finally, nakabalik din ulit sa blogging. Ilang beses din ako nagpalit ng password, lagi kong nakakalimutan. Eng-eng much or sign of aging ba ire? Well makakalimutin talaga ako recently pero di pa ako ulyanin noh hehe tsaka sinulat ko na din sa papel para makikita ko nalang everytime magla-login ako. Ah basta i-blame nalang natin sa hormones at kay aleng anik anik! :P

Anyway it's 4:40 AM na, at this hour gising pa din ako. Nagising lang ako actually tapos after ko mag-WC di na ako dinalaw ulit ng antok. Kaya instead na magbilang ng pitumput-pitong puting tupa para makatulog, heto't magbababad ako sa computer! 
Sure, magkikwento ako, promise ko yun last time diba? Ok, brace yourself guys... (breathe in, breathe out...) Let's do this!
* * *
Peeps, pumunta ako ng salon kahapon, hindi para magpaganda kundi para magpakalbo. Tama ang nabasa nyo, nagpa-skinhead ako. Sobrang scary talaga, naiyak ako! 3 days ago kasi, nagstart ng maglaglagan yung hair ko, e dyahe naman tsaka nak…

Pano nga ba ulit magblog?

Image
Pano nga ba ulit magblog?

Wala lang, may maitanong lang, matagal-tagal na din kasi akong di nakakadalaw dito sa mundo ng blogesperyo kaya parang na-amnesia na din ako pano ulit buksan itong blog ko at magsimulang magsulat. Password ko? Tama ka, di ko rin maalala hahay... Di lang yan, di ko na din alam kelan eksaktong anibersayo nitong blog ko. Sigurado di nyo rin maalala, pano tagal nyo na din di dumadalaw dito, hmm aminin...

May namimiss ako... Ikaw! Di siempre yung una, ang pagsusulat. Minsan di lang naman puro rants ang nilalaman nitong blog ko. Iba-ibang topic naman, kaya lang kapag sinusubukan ulit ng inyong lingkod na magsulat lalo na sa english, ay malaking peligro! Baka mas lalong manganib ang buhay ko kasi aabangan ako ng mga kriminal sa kanto. Joke lang pero ingat tayo dahil maraming nagkalat na grammar nazi sa paligid e lagot :P 
Pangalawa, siempre yung mga konting palitan ng opinyon at kuro-kuro na nahahantong kadalasan sa biruan at kulitan ng mga kapwa blogero. Yun yung …

One of the Finest Church in Norway

Image
As promised, here's a blog post dedicated to Ms Balut of BalutManila.
Skien Church is the main church located in Skien, Telemark county in Norway.

Designed by architect Martin Hagbarth Schytte-Berg.

It is made of glazed red bricks. 

Marble and granite were also used.

  It is a cruciform church built in Neo-Gothic style. 

 Inspiration was taken from the German architects John Vollmer and John Otzens.

The church is 47 meters wide with a twin tower 68 meters high, while the interior is 17 meters high. 

The church was repeatedly lost in a fire but was reconstructed in April 8, 1892 by a norwegian builder Lorentz Christian Wagle.
* All photos are personally taken by yours truly.
* Text are excerpted from Google and Wikipedia.

Blast From The Past: One Day - Part III

Image
Pagkatapos naming kumain ay gumala muna tsaka hinatid ako sa boarding house. 

Masaya ang araw na yun, masaya kaming nagbibiruan at nagkukulitan hanggang sa... 

"Jam, namiss kita." Sinabi nya ito ng halos pabulong. Aktong inilapit ang mukha at tinitigan ako sa mga mata, "Mahal kita.. alam mo ba yun?"

Hindi ako nakatagal sa titig nya kaya't tumungo ako, hindi ako komportable sa ganong ayos, mas lalong hindi ako sanay sa mga katagang lumalabas sa bibig nya. Ano kayang ispiritu ang sumanib sa kanya at bigla itong nagkalakas ng loob magsabi ng kanyang saloobin at nararamdaman? 

"Umayos ka nga.. hindi tama 'to, sinisira mo pagkakaibigan natin."

"Bakit, ayaw mo ba? Jam, will you be my girfriend?"

"Hindi kita mahal.."

"Bakit di mo ako subukang mahalin?"

"Marami akong magiging karibal sayo."

"Heto na naman tayo."

 "MUAH!" Isang biglaan at mabilis na smack sa lips ang binigay ni Jerico. "So do you belie…